Monday, January 9, 2012

Si Ryan part 1

Bata pa lang ako alam ko na kung ano talaga ako. Pilit ko binago ang aking sarili para matanggap sa mapanghusgang lipunan at para na rin sa aking ama na isang respetado na sundalo at may mataas na tungkulin.


Grade six (6) ako noon nang una akong nagka crush sa isang lalaki. Marami akong naging girlfriend sa pagkakataong ito iba ang aking naramdaman. Shit! late na ako sa exam, sigurado seromon nanaman abutin kong ito kay Ms Castro, palibhasa kasi matandang dalaga bulong ko sa aking sarili habang hinahanap ang assign classroom ko. Blog! aray ko po! pasensya na ha sabi sa akin ng isang bata, nagmamadali kasi ako di kita napansin. Tiningnan ko sya, natulala ako. excuse me, pasyensya ulit sabi nya, bigla akong natauhan. hindi, ok lang yun kasalanan ko din, hinanahap ko kasi yung assign classroom ko. Inabot ko sa kanya ang admission   slip ko. What a co-incidence, were heading both to same classroom, nagulat ako sa sinabi nya, spoken in dollar sabi ko sa sarili ko. I think were already late for the examination, we must got hurry sabi ko naman sa kanya. natawa sya sa sinabi ko, impress naman ako, english yun ah! natawa na rin ako. naglakad kami paputang classroom, pagdating namin nag tinginan lahat sila sa aming dalawa. nakita ko na halo-h alo lahat ng school na kukuha ng NAT exam. Sorry were late maam, sabi ng kasama ko. You may now sit down boys and we will start the exam sabi ng instructor namin. Nagkataon na dalawang upuan na lang ang bakante kaya nagkatabi nanaman kami dalawa. Di ko mapigilan na di sya lingunin, gwapo nya, perfect! nasabi ko sa sarili. ano kaya pangalan nya, kanina pa kami nag uusap di man lang kami nagkaroon ng panahon para magkakilanlan sa isat-isa. Biglang natigil pagumunimuni ng mag salita instructor namin at nag umpisa ang exam namin. 


Pagkatapos ng 9 na oras na exam, palabas na ako ng gate biglang may kumalabit sa akin. Uwi ka na ba? Oo e, napagod ako sa exam e. Ganun ba? sabi nya. yayain sana kita mag merienda, kung ok lang? cge ba, sabi ko. pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant. Oo nga kanina pa tayo nag uusap di pa pala ako nag pakilala ng pormal sa iyo. Ako nga pala si Ryan Michael Villafuerte sabay lahad ng kanyang kamay. Ako naman si Nathan Villarama, nice to know you Ryan. Parang may ilang boltaheng biglang lumokob sa buo kong katawan pag lapat ng aming mga kamay. What a strange feeling bulong ko sarili. O, ano order mo? ako taya sabi ni ryan. kung ano order mo yun na rin akin sabay sabi ko sa kanya. Madami kaming napag usapan ng dumating order namin, nabigla ako ng makita ang order nya, pareho pala kami ng gusto at sumilay ang maganda kong ngiti. O, bakit ngingiti-ngiti ka dyan? Ah, e, pareho pala tayo ng gusto at sabay kaming nagtawanan.


Salamat sa treat mo ryan, hayaan mo sa susunod na magkita tayo treat ko naman. Talaga lang ha? promise mo yan? sabi nya. Oo promise! San ang way mo ngayon than? maglalakad lang ako, malapit lang naman bahay namin dito. Hahatid na lang kita than, para malaman ko kung saan bahay mo. Naku, wag na mapapalayo ka lang yan ryan, nakakahiya na sa iyo. Di, ok lang yon, kaw pa! At naglakad kami patungo sa aming bahay. Marami kaming napag usapan habang naglalakad at marami din akong nalaman na personal na bagay sa kanya. O, pano yan dito na ako salamat sa paghatid. Teka lang ha, dito ka muna tatawagin ko driver namin para mahatid ka pauwi, sabi ko sa kanya. Wag na, abala pa lang sa driver nyo, ah than pwede ko bang makuha landline nyo? at nag palitan kami ng number.

itutuloy...

No comments:

Post a Comment